Naransan mo na bang mahulog ang loob mo sa best friend mo? ako isang beses pa lang. ang hirap ang bigat sa pakiramdam di mo alam kung pano ilalabas kung tae lang yung nararamdaman ko panigurado nabulok na sa sobrang pagkimkim. muntik muntikan ko ng sabihin kaso pinigilan lang ako ng mga kaibigan ko at ng utak ko sabi nila isipin mo ang pagkakaibigan niyo willing ka bang itaya ito para lang jan sa nararamdaman mo malay mo kabag lang yan at baka lumipas din. mahirap kasi eh meh mga pwedeng mangyare pwedeng mag iba ang pakikitungo niyo sa isat isat yung dating closeness niyo eh magkakaron na ng pagaalinlangan kasi baka isipin nung isa meh hidden agenda ka.
ang daming pwedeng mangyare diba pero kung pumabor naman sayo ang mga planeta at tala meron kang relasyon na napakaganda naman. sabi nga diba romantic relationships that last are the ones that started as friends. tama nga naman kasi meron na kayong pundasyon na naipundar kilala niyo na ang isat isa kahit magututan kayo sa kwarto eh ok lang. kaya falling in love with your best friend is like playing with a double edge sword...
ang pagkakamali ko lang nuon eh hindi ko sinunod ang puso ko pinairal ko ang utak minsan dapat sundin din ang puso payo ko lang sa mga taong asa ganitong situation. if you really love that person you have to be willing to take that chance, you have to be willing to take that leap of faith. bago pa mahuli ang lahat...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment