Long Distance relationship LDR for short. parate namin tong napapagusapan ng mga kaibigan ko, ano ang mga kailangan para mag work ang ganitong relasyon, bakit 9/10 eh nag break din sa huli ang dalawang mokong. marameng mga bagay bagay o factors ang umiikot dito:
una, masyado pang bago ang relasyon eh nag hiwalay na kayo agad o kailangan magpunta sa malayong lugar ang isa. kadalasan na uuwe sa hiwalayan pag ganito kasi walang sapat na foundation ang nabuo sa isat isa kaya ayun bumigay agad ilang buwan pa lang ang nakalilipas.
pangalawa, nalulungkot ang isa, nangungulila sa mga yakap sa init ng katawan na dulot ng kanyang kabiyak kaya ayun di nila namamalayan eh sumisira na pala siya sa pangako nila sa isat isa kasi hinahanap niya sa iba ang dating init na meroon sila.
pangatlo, eh mahrot lang talaga si lalake or babae.
pang apat meron siyang nakilala na iba at naisip niya na mas mabuti ang malapit kesa malayo. isang kalabit lang anjan na.
pang lima, lumalabo ang comyunikasyon sa isat isa minsan dahil busy din sa kani kanilang buhay at feeling ng isa eh di na siya nabibigayan ng pansin.
marame pang ibang factor tinatamad na lang akong mag-isip. pumunta naman tayo sa mga LDR na eh kahit sa layo at dami ng pagsubok eh nandun pa din ang alab ng kanilang pag mamahalan.
iisa lang naman ang paraan para hindi kayo maghiwalay ng iyong irog at yun ang magandang fundasyon ng inyong pag mamahalang dalawa. sa lahat ng mga kaibigan ko, kasama na din ako isa lang ang alam ko na nag work an relasyon na ito sa katunayan ikakasal na nga sila eh. sa aking pagsusuri at pagmumuni muni. ang magandang fundasyon ninyo sa isat isa ang tanging makakapagligtas sa ganitong klase ng relasyon samahan mo na din ng magandang komyunikasyon at pananalig sa diyos.
at ayun mga bata wag padalos dalos sa pag pasok sa isang relasyon siguraduhin at kilatisin ng mabuti kung ayaw mong masaktan sa bandang huli. bakit ako sumulat ng ganito kahaba habang blag na wala namang sentido eh wala lang wala akong magawa eh.
sabi nga ni kuya kim ang buhay ay weder weder lang.
mwah
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment